Karate Kid Theme: The Moment of Truth

26 Sep

Ginaganahan akong maghanap ng mga kantang gusto ko ulit pakinggan ng paulit-ulit. At nang napakinggan ko ito na kinanta ng Survivor, alam kong may alas na naman ang kanta ng mga 80’s.

Napakinggan mo na ito malamang, isa sa mga kantang oo, napakinggan mo, kahit hindi mo kilala kung sino ang kumanta pero ang naaalala mo ay yung pelikulang Karate Kid, yung una ha? :)

Gusto ko ang lyrics, may wawa kumbaga, hindi puro na lamang pagpapa-cute na malabnaw ang laman, katulad ng maraming kanta ngayon. Sabihin mo nang makaluma ako, pero hindi ko ipagpapalit ang mga kantang may saysay na tulad ng isang ito.

Para sa Malabo ang Mata

26 Sep

Pauwi na kami ng asawa ko galing sa aming honeymoon ng maisipan kong kunan ang mga kung anu-anong nakikita ko sa daan. Well, para rin magsilbing inspirasyon sa aking susunod na isusulat sa iba ko pang blogs.

Anyway, ito ang nakitang kong magandang billboard ad para sa malalabo ang mata:

Gusto ko talaga ang mga ads ng EO optical, galing ng kinuha nilang ad agency, patok ang malilikot na pag-iisip ng mga creative people nila. :)

Barbara Streisand & Barry Gibb “What Kind Of Fool”

22 Aug

Damang dama ang pag-awit at hindi kailangang maging loveteam para tangkilikin ng mga tao. Hats off to Barbara Streisand and Barry Gibb for sharing their real talent, something that others claim to have but sadly are lacking.

The Audition for Kotaro Minami Mask Rider Black Video

30 Jul

Nakakatuwang isipin na marami pa ring tao ang nagpapahalaga sa tunay na husay at galing sa larangan ng pang aaliw sa tao o entertainment sa madaling sabi. Kaya nakakalungkot tuwing may artista dito sa Pinas na sinasabi nyang inalok lang cia ng role sa pelikula, lalo na sa mga baguhan. Para lang palang bunga ng puno ang pagkakataon na magkaroon sila ng teleserye at pelikula, kailangan lang nilang hintayin na tawagin sila, kahit na sa katotohanan na hindi pa sila hinog para sa mga gagampanan nilang katauhan sa proyekto.
Continue reading

Pacific Rims Rafe Bartholomew Pilipino sa Salita

30 Jul

Natutuwa tayo sa mga dayuhan na natututong magsalita ng Filipino, kasi ganun din naman sila marahil kapag tayo ang natuto ng wika nila.

Tulad ng post ko dito tungkol sa American Taxi Drivers in the Philippines. Para sa akin nakakatuwang pakinggan na sinusubukan nilang makibagay sa karamihan dito sa pamamagitan ng paggamit ng ating sariling wika, kahit na kung ano pa mang eksperimento ang gawin nila, katulad nung nasa video nila noon, para matuto ng Filipino.
Continue reading

Jobs Philippines – American Taxi Drivers Video

29 Jul

Kala nyo ba pinoy lang ang nawawalan ng trabaho? Naku, ciempre alam nyo na rin malamang na pati ang mga kaibigan nating ‘Puti’ (o Amerikano) ay apektado rin sa mga nangyayari sa pagkawala ng ilang trabaho.

Pero ito ang nakakataka, bakit ang ibang Kano ay nagpupunta sa Pilipinas para dito maghanap ng trabaho? Dahil ba mababa lang ang cost of living dito? Hay naku, ganito na lang manood na lang kayo ng video na ‘to. Ang kukulit nila sobra! :)

Sa tingin nyo, bakit kaya wala silang pasahero?

Noynoy Aquino 2010 SONA Full Filipino Translation

28 Jul

State of the Nation Address of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
to the Congress of the Philippines
Session Hall of the House of Representatives
July 26, 2010

Speaker Feliciano Belmonte; Senate President Juan Ponce Enrile; Vice President Jejomar Binay; Chief Justice Renato Corona; Former Presidents Fidel Valdez Ramos and Joseph Ejercito Estrada; members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps; my fellow workers in government; Mga minamahal kong kababayan:

Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.

Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami; ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.
Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.
Continue reading

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.