Eksenang Nakakastress sa FX

4 Apr

Pauwi na ako kahapon galing sa isang mahabang araw ng trabaho. Alam mo yung pakiramdam na pagod na pagod ka tapos gusto mo lang makauwi agad sa bahay para makapagpahinga? Yun ang pakiramdam ko kahapon.

Pero dun sa nasakyan kong FX, hindi ako narelax. Parang na-stress nga ako sa daming eksena. Gusto mo ng clues? Cge kukuwentuhan kita.

Eksena No.1

Nauna akong sumakay sa harapan ng fx, katabi ng driver. Nagsisimula ng mapuno ng sakay ang fx, yung sa tabi ko na lang ang kulang.

Lakas ng AC, medyo mabango sa loob.

Nakakarelax.

Eto na kamo ang sunod na eksena. May ginang na sumakay sa fx dun sa tabi ko umupo, sabay bungad ng:

“Ano ba yan, ang tapang naman sa ilong ng pabangong yan!”

Hindi ako yun, although nagpabango ako, yung car freshener ang tinutukoy nya.

At hindi pa nagkasya sa todong komento nya dun, inulit-ulit pa nya ang reklamo nya sa ‘bango’ na yun at talagang parang tumatalbog lang na cd kung papakinggan mo. Nakakastress di ba?

Eto ang pamatay, sa kakareklamo nya sa amoy, bigla ba naman binuksan yung dalang burger at dun kumain sa loob ng fx. So alam mo na ang ending di ba? Yung unang mabangong amoy sa loob ng fx, ayun, nangamoy burger na yung loob. Kakastress talaga. :)

Pero at least, natahimik naman siya.

Eksena No. 2

Yung umuupo sa gitna, madalas ang eksena sila ang taga-abot ng pamasahe ng mga nakaupo sa likod. Eto na, yung isa doon sa nasakyan ko, nagreklamo ba naman kasi lagi na lang daw siya ang nag-aabot ng pamasahe sa driver.

Magreklamo ba, eh sa gitna ka naman nakaupo, natural aabutin mo yung pera di ba?

Ate naman, para mabaligtad ang eksena next time, dun ka sa likod umupo. Or kung ayaw mo talaga ng may nakikisuyo sa iyo sa pag-aabot ng pamasahe, mag-taxi ka na lang.

Eksena No. 3

Yung isa naman sa gitna nakaupo, parang naka-register ata sa unlimited na calls. Imagine mula Makati hanggang sa amin sa Cainta, nakikipag-usap siya sa celfone. Nakakaloka di ba?

Well, okay lang naman kung medyo mahina yung boses nya habang nakikipag-usap siya. Ang siste, grabe, alam na ata lahat ng pasahero ng fx kung ano ang nangyari sa kanya at doon sa ex boyfriend nya na lumandi sa kapatid nyang disisais anyos.

Kung makipag-usap parang nasa sarili siyang sasakyan. ;) Que horror!

Kung hindi ka ba naman ma-stress talaga di ba?

Ayan, ang ending ko, imbes na marelax ako, buong byahe akong nagpigil ng inis. :) Nakaka-stress naman talaga di ba? Pero habang tinatype ko to, natatawa na lang ako. Kung ikukuwento ko kasi lahat ng mga eksena sa fx na natatandaan ko, pwede na akong gumawa ng buong blog about that. :)

Ikaw, kung sumasakay ka sa fx, ano ang nakakapagpa-stress sayo?

Photo credit: hubpages.com

Tags: ,

3 Responses to “Eksenang Nakakastress sa FX”

  1. mangbadoy April 12, 2009 at 10:52 AM #

    salamat sa bisita sa humble kong ebahay… balik ka ulit ;)

  2. Klet Makulet April 14, 2009 at 12:14 PM #

    Di pa ako nakakasakay ng FX pero sa jeep nakakasakay ako. Tulad ng FX madami ding eksenang gugulantang sayo… Nakakainis habang nararanasan mo yun pero pag kinukwento mo na sa blog mo nakakatawa na din lalo na pag may nagreact sa post mo hehehe

  3. dodong flores April 26, 2009 at 4:31 PM #

    Naku, hindi na nakakapanibago yang mga eksenang iyan sa akin. Everytime din na sumakay ako ng GT Express from SM Megamall to Pateros, ganyan din eksena sa loob ng sasakyan na nakikita ko :(

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.