Umiyak sa Itlog

Hindi ako yun. Yung kapatid ko.

Mangyari kasi, nung bata pa ako, (mga ocho anyos ata ako nun, yung kapatid ko mga kwatro anyos noon) tuwing Easter Sunday, may sarili kaming version ng Easter Egg Hunt.

Imbes na lumabas at pumunta ng mall para doon makisaya, sa bahay lang namin ito ginagawa. Ciempre si Mama ang nagtatago ng itlog (na pula :) ) habang kami naman ay naghihintay lang na sabihin nyang “Go!” para magsimula na ang hanapan.

At naganap na nga, ito na ang eksena, hanap dito, hanap doon.

Naghanap sa likod ng mga garapon, sa lalagyan ng mga tindang gulay, sa likod ng mga kahon ng ibang panindang hindi pa naaayos, at sa likod ng iba pang mga kung anu-anong bagay sa tindahan.

Kinakarir ko talaga ang paghahanap kasi may premyo eh. :)

Eto na, nakita ko ang itlog sa ilalim ng mga bigas na hindi pa naitatakal. :) Yey, panalo ako. :)

Siyempre ipinakita ko na sa aking Mama ang itlog na pula, excited akong kunin ang aking premyo. Nang biglang umiyak ang kapatid ko.

Iyak ba? Hindi eh, palahaw. As in talagang malakas, at ayaw tumigil.

Ano pa nga ba ang sumunod na eksena?

Eh di ibinigay ko na lang sa kanya ang napanalunan kong tsokolate. :( Hirap maging Ate. :)

Dati yun. Ngayon, wala na kaming ganung pakulo sa bahay, ngayon kami na ang hinahanap ng mga itlog (mga kamag-anak naming lalaki na may mga maliliit na tsikiting) para mangamusta at magpalipas ng Easter Sunday. :)

Nga pala, bago ko makalimutan, Happy Easter sa ating lahat. :)

Nakahanap ka ba ng itlog ngayon? :)

4 Responses to “Umiyak sa Itlog”

  1. ELIment Says:

    hindi po ako naghanap eh. hehe..
    happy easter din po.

  2. Cindyrella Says:

    happy easter! ^^ wala kaming ganoong kaugalian.. nagsisimba lang kami. God bless!

  3. blurosebluguy Says:

    hahahaha..mahirap talaga maging ate noh?….
    salamat pala sa pagdaan sa aking bahay…ngayon lang ako nakapaglibot …..kararating lang from a week’s sojourn…..good day!

  4. chaden Says:

    tnx for dropping by..


Leave a Reply