Pinakyaw ni Pacquiao

Ano sa tingin mo? Aba ‘pinakyaw’ na nga ni Pacquiao ang lahat ng karangalan. :)

Isa ako sa masaya para sa kanya, tama lang na magbunga ang lahat ng pinaghirapan. Ikaw kaya ang magpraktis araw-araw at dalawin ng kabi-kabilang mga intriga kung hindi ba naman ‘dagain’ ang dibdib mo di ba?

Ciempre kalakip ng tagumpay ang di mabilang na salapi at buwis na kailangan bayaran. Sigurado namang lahat ng iyan ay may kapupuntahan. Baka ang matira ay gagawing pondo sa susunod na halalan.

Maaaring pakyawin ng todo ni Pacman ang lahat ng karangalan sa boksing, dahil dyan siya magaling, pero wag na sanang isama ang pulitika sa listahan. Ang sa akin lang, makakatulong naman siya kahit hindi siya pulitiko.

Yun lang. :)

Leave a Reply