The Audition for Kotaro Minami Mask Rider Black Video

30 Jul

Nakakatuwang isipin na marami pa ring tao ang nagpapahalaga sa tunay na husay at galing sa larangan ng pang aaliw sa tao o entertainment sa madaling sabi. Kaya nakakalungkot tuwing may artista dito sa Pinas na sinasabi nyang inalok lang cia ng role sa pelikula, lalo na sa mga baguhan. Para lang palang bunga ng puno ang pagkakataon na magkaroon sila ng teleserye at pelikula, kailangan lang nilang hintayin na tawagin sila, kahit na sa katotohanan na hindi pa sila hinog para sa mga gagampanan nilang katauhan sa proyekto.

Kung sa Hollywood nga, dumadaan sa butas ng karayom ang mga artista makuha lang ang isang role sa pelikula, tulad ni halimbawa ni Johnny Depp na nanggulat sa kanyang pagganap ng kakaibang interpretasyon nya sa katauhan ni Capt. Jack Sparrow.

Sa Japan din, kung naaalala nyo pa si Koutaro Minami, oo yung Mask Rider Black na ipinapalabas tuwing Sabado noong mga late 80′s or early 90′s kung tama pa sa alaala ko. Akalain nyong nagpa audition talaga sila para lang makabuo ng cast sa pambatang seryeng ito. Panoorin nyo kung paanong naiguhit ang Mask Rider Black sa kamay ni Tetsuo Kurata.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.