Archive | Kahayupan RSS feed for this section

Alaala ni Harot

16 Jan

2010 na.

Bigla kong naalala na wala na ang mahal kong si Harot.

Ayan si Harot. Akala mo babae no? Lalaki yan, okay di ba? Harot, pangalan ng lalaking aso. Ako nagbigay ng pangalan nya nung tuta pa lang siya.

Pansin ko kasi, may kalandian siyang taglay, basta yung pagiging malambing nya ay hindi karaniwan sa edad nya bilang tuta, kaya ayun, Harot na ang tawag namin sa kanya.

Gusto mo ba siyang makita ng malapitan? Sige hahanap ako ng mas malaking litrato nya, sandali ha…

Ito na, mas malaking kuha nya, naku alam mo bang maton itong si Harot? Hay naku sobrang maton nito kahit na pandak siya.

Wala siyang pasintabi na ikendeng ang kanyang puwitan kapag nagpapatrulya siya sa kabuuan ng bakuran ng bahay namin. Panalo di ba?

Anong sabi ng mga tanod sa amin sa pagbabantay niya? Wala, bilib sila kay Harot kasi matapang na aso, kahit bihira tumahol, titigan pa lang nya ang mga taong hindi kilala at kapwa aso, natatakot na agad sila.

Matakaw ‘to at hindi pinapatawad pati ang mga pusang panay ang punta sa amin (kahit na hindi naman namin pusa). Naku ilang beses ko na ngang naabutan na inaangilan nya ang mga pusa na tinatangkang agawan siya ng pagkain. Astig talaga!

(more…)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.