Hay ang sarap naman.
Pauwi na ako kanina ng marinig ko ito sa radyo (sasamahan ko na rin ng komento ko):
Gusto ko lamang sa buhay ay murang gasolina
Ano pa nga ba? Sana nga ay maging mura na ang gasolina para mura na rin ang maging pamasahe ko. Naku araw-araw ba naman akong naglalabas ng 150 para sa pamasahe…nakakatumbling sa mahal di ba?
Gusto ko lamang sa buhay yung magswimming sa beach ng matagal na matagal
Sa init ng panahon ngayon, naku susugod talaga ako sa pinakamalapit na beach para magtampisaw, masarap talaga na sa dagat lang buong maghapon, walang ibang ginagawa kundi ang magpahinga, mag-egg roll hehe…
Gusto ko lamang sa buhay ay magtravel at bumili ng souvenirs
Ay naku, eto talagang gusto kong gawin, kung hindi lang issue ang panahon at pera. Ciempre,
Sagada
ang una sa listahan ko, ayan ( si MJ ko sa picture masarap balik-balikan ), tapos gusto ko ring pumunta sa
Caramoan Peninsula – Ciempre man ta, Bicolana ini!
Bohol
Davao, ay marami na to ha? Ikaw san mo ba gusto magtravel? Yung dito muna sa Pinas ha?
Marami akong gusto sa buhay, sobrang marami pero sabi nga sa kanta ng Itchyworms, eto ang pinakagusto ko:
Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako
Sweet no? Masarap talagang mabuhay kapag may mga nagmamahal sayo. Well, aside sa pamilya at kaibigan, masarap talaga sa pakiramdam yung alam mong para sa ibang tao ay mayroon kang halaga.
Pagpasensyahan mo muna ako, nakakaumay talaga siguro sa katamisan ang pakiramdam ng malapit ng ikasal.
O sige, may susunod pa naman akong post dito, abangan mo ha? Teka, ikaw ano ba ang gusto mo sa buhay?
Photo credit:
Caramoan Islands.com
Bohol.ph
Sagada Philippines.com


